
Ipinagdiriwang sa araw na ito ng Linggo, ika 21 ng Marso 2010 ang isang kaugalian sa Araw si San Lazaro sa Parokya ng Bayan ng Tanay kung saan may mga mag-anak na may panata na magluto ng pagkain na pinabebedisyunan sa Misa sa umaga at ipinamamahagi bilang alay sa alaala ng halimbawa ng Poong San Lazaro. Pinaniniwalaan na ang may panata ay mailigtas sa mga karamdaman at ang makakakain ng alay ay bubuti ang kalusugan. Ang karaniwang mga pagkain ay bukhayo, lumpiang gulay, at ginataang hipon na lutong Tanay.